Salmo 70
1 Iligtas mo ako, O Diyos! Yahweh, pumunta ka agad at tulungan ako.
2 Hayaan mong mapahiya ang mga nagtatangka sa aking buhay at mapahamak; hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang nakuhang magsaya sa aking kalungkutan.
3 Hayaan mo silang tumalikod dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi ng, “Aha, aha.”
4 Hayaan mong ang mga iyon na naghahanap sa inyo ay matuwa at magalak sa inyo; hayaan mong ang mga umiibig sa iyong kaligtasan na sabihin lagi, “Purihin nawa ang Diyos.”
5 Pero ako ay mahirap at nangangailangan; magmadali ka sa akin, O Diyos; ikaw ang tutulong at sasagip sa akin. Yahweh, huwag kang maantala.
Pagbilang ng Hebreo, ang pinakaginagamit sa mga Bibliya at paghahanap. Sa liturhiya Katolika (pagbilang ng Griyego), ang salmong ito ay maaaring lumabas na may mas kaunting numero sa pagitan ng 10 at 147.