Salmo 93
1 Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.
2 Ang iyong trono ay naitayo mula noong unang panahon; ikaw ay mula sa magpakailanman.
3 Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
4 Sa ibabaw ng nagsasalpukang mga alon, ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat, si Yahweh na kataas-taasan ay makapangyarihan.
5 Ang iyong taos pusong mga kautusan ay tunay na mapagkakatiwalaan; ang iyong kabanalan ang nagpapalamuti ng iyong tahanan, Yahweh, magpakailanman.
Pagbilang ng Hebreo, ang pinakaginagamit sa mga Bibliya at paghahanap. Sa liturhiya Katolika (pagbilang ng Griyego), ang salmong ito ay maaaring lumabas na may mas kaunting numero sa pagitan ng 10 at 147.