Santo ng Araw · 13 ng abril
San Martin I, Papa at Martir — Opsyonal na Paggunita
2026 · Lunes
San Martin I, Papa at Martir
Opsyonal na Paggunita · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay pula
2027 · Martes
San Martin I, Papa at Martir
Opsyonal na Paggunita · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay pula
2028 · Huwebes
Huwebes Santo
Triduum ng Pasko ng Pagkabuhay · Mahal na Araw puti
Salmo ng Araw: Salmo 115
1 Huwag sa amin, O Yahweh, huwag sa amin, pero sa iyong pangalan maibigay ang karangalan, dahil sa iyong katapatan sa tipan.
2 Bakit sasabihin ng mga bansa, “Saan naroon ang kanilang Diyos?”
3 Ang aming Diyos ay nasa langit; ginagawa niya ang kaniyang maibigan.
4 Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.
5 Silang mga diyos-diyosang ay may mga bibig, pero sila ay hindi nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi sila nakakakita;
6 mayroong silang mga tainga, pero hindi sila nakakarinig; mayroong silang mga ilong, pero hindi sila nakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, pero hindi sila nakakaramdam; mayroon silang mga paa, pero hindi sila nakakalakad; ni hindi nila magawang magsalita sa kanilang mga bibig.
8 Silang mga gumawa sa kanila ay tulad nila, gaya ng lahat ng nagtitiwala sa kanila.
9 O Israel, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
10 Ang tahanan ni Aaron, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
11 Kayong gumagalang kay Yahweh, magtiwala sa kaniya; siya ang iyong saklolo at kalasag.
12 Pinapansin at pagpapalain tayo ni Yahweh; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ng Israel; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nagpaparangal sa kaniya, kapwa bata at matanda.
14 Nawa palalaguin ni Yahweh ang inyong bilang ng higit pa, kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan.
15 Pagpalain kayo ni Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.
16 Ang kalangitan ay kay Yahweh; pero ang lupa ay kaniyang ibinigay sa sangkatauhan.
17 Ang patay ay hindi magpupuri kay Yahweh, ni sinumang bumaba sa katahimikan;
18 Pero aming pagpapalain si Yahweh ngayon at magpakailanman. Purihin si Yahweh.
Panalangin ng Araw: Panalangin kay Santa Teresita ng Batang Hesus
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.