Santo ng Araw · 17 ng mayo
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay — Linggo
2026 · Linggo
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Linggo · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti
2028 · Miyerkules
Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti
Salmo ng Araw: Salmo 53
1 Sinasabi ng mangmang sa kaniyang puso, ''Walang Diyos.'' Masama sila at gumawa ng kasuklam-suklam na pagkakasala; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti.
2 Mula sa langit nakatanaw ang Diyos sa mga anak ng tao para tingnan kung may nakauunawa na naghahanap sa kaniya.
3 Ang bawat isa sa kanila ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; wala ni isang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Wala ba silang nalalaman, silang gumagawa ng pagkakasala, silang mga kumakain ng aking bayan gaya ng pagkain ng tinapay pero hindi tumatawag sa Diyos?
5 Sila ay nasa kalagitnaan ng matinding pagkatakot, kahit na walang dahilan para matakot; dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng sinumang nagsasama-sama laban sa inyo; ang ganiyang mga tao ay ilalagay sa kahihiyan dahil sila ay tinanggihan ng Diyos.
6 O, ang kaligtasan ng Israel ay darating mula sa Sion! Kapag ibinalik na ng Diyos ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magdiriwang si Jacob at ang Israel ay magagalak!
Panalangin ng Araw: Panalangin kay Santa Rita ng Cascia (para sa mga Imposibleng Kaso)
Iharap mo sa Diyos, Ama ng awa at bukal ng lahat ng kaaliwan, ang aking mapagpakumbaba at mapagtiwalang panalangin. At ikaw, na nakamit mula kay Hesus ang lahat ng iyong hiniling, huwag mo akong pabayaan sa mahirap na oras na ito, kamtin mo para sa akin ang biyayang labis kong kailangan. Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.