Santo ng Araw · 17 ng hunyo
Miyerkules ng Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon — Karaniwang Araw
2026 · Miyerkules
Miyerkules ng Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2027 · Huwebes
Huwebes ng Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2028 · Sabado
Sabado ng Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 120
1 Sa aking kahirapan tumawag ako kay Yahweh, at sinagot niya ako.
2 Iligtas mo ang aking buhay, O Yahweh, mula sa mga sinungaling na labi at mula sa mandarayang dila.
3 Paano ka niya parurusahan, at ano pa ang magagawa sa iyo, ikaw na may sinungaling na dila?
4 Papanain ka niya ng matalim na mga pana ng mandirigma, kung saan hinulma sa mainit na mga uling ng puno ng tambo.
5 Kaawaan ako dahil pansamantala akong naninirahan sa Mesech; nanirahan ako dati sa mga tolda ng Kedar.
6 Matagal akong nanirahan kasama silang napopoot sa kapayapaan.
7 Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag ako ay nagsasalita, sila ay para sa digmaan.
Panalangin ng Araw: Panalangin sa Gabi
sa buhay, sa kalusugan, sa tinapay, at sa mga taong mahal ko.
Patawarin Mo po ako sa aking mga pagkukulang at sa kabutihang hindi ko nagawa.
Sa gabing ito, ingatan Mo po ang aking tahanan, ang aking pamilya, at ang mga naghihirap.
Sa Iyong mga kamay, Panginoon, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu.
Dalawin Mo po, Panginoon, ang tahanang ito at ilayo Mo rito ang lahat ng bitag ng kaaway;
nawa'y manahan dito ang Iyong mga banal na anghel at ingatan kami sa kapayapaan,
at ang Iyong pagpapala ay laging sumasaamin.
Sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon. Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.