Santo ng Araw · 25 ng hulyo

San Santiago, Apostol — Kapistahan

2026 · Sabado

San Santiago, Apostol
Kapistahan · Karaniwang Panahon puti

Rosaryo Ngayon: Masasaya

2027 · Linggo

Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Linggo · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Maluluwalhati

2028 · Martes

San Santiago, Apostol
Kapistahan · Karaniwang Panahon puti

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

Salmo ng Araw: Salmo 86

1 Makinig ka, Yahweh, at sagutin mo ako, dahil ako ay mahirap at inapi.

2 Pangalagaan mo ako, dahil ako ay matapat; aking Diyos, iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa iyo.

3 Maawa ka sa akin, Panginoon, dahil ako ay tumatawag sa iyo buong araw.

4 Pasayahin mo ang iyong lingkod, dahil sa iyo, Panginoon, ako nagdarasal.

5 Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at handang magpatawad, at nagpapakita ka ng malaking awa sa lahat ng tumatawag sa iyo.

6 Yahweh, makinig ka sa aking panalangin, dinggin mo ang aking pagsamo.

7 Sa araw ng aking kaguluhan tumatawag ako sa iyo, dahil sasagutin mo ako.

8 Walang sinuman ang maihahambing sa iyo sa mga diyos, Panginoon. Walang mga gawa ang makakatulad sa mga ginawa mo.

9 Lahat ng bansa na iyong ginawa ay pupunta at yuyuko sa iyo, Panginoon. Pararangalan nila ang iyong pangalan.

10 Dahil ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay, ikaw lamang ang Diyos.

11 Turuan mo ako ng iyong mga pamamaraan, Yahweh. At ako ay lalakad sa iyong katotohanan. Pag-isahin mo ang aking puso sa pagsamba sa iyo.

12 Panginoon aking Diyos, pupurihin kita ng buong puso, luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman.

13 Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol.

14 O Diyos, ang mayayabang ay naghihimagsik laban sa akin. Ang isang pangkat ng marahas na mga lalaki ay nagbabanta sa aking buhay. Wala silang pagsasaalang-alang para sa iyo.

15 Pero kayo, Panginoon, ay maawain at mabait na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan.

16 Harapin mo ako at maawa ka sa akin, ibigay mo ang iyong kalakasan sa iyong lingkod; iligtas mo ang anak ng babaeng lingkod mo.

17 Magpakita kayo sa akin ng tanda ng iyong pabor. Kung ganoon sinumang napopoot sa akin ay makikita ito at malalagay sa kahihiyan dahil ikaw, Yahweh, ang tumulong at umaliw sa akin.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Panalangin sa Gabi

Panginoon, sa pagtatapos ng araw na ito, pinasasalamatan Kita sa lahat ng aking tinanggap:
sa buhay, sa kalusugan, sa tinapay, at sa mga taong mahal ko.
Patawarin Mo po ako sa aking mga pagkukulang at sa kabutihang hindi ko nagawa.
Sa gabing ito, ingatan Mo po ang aking tahanan, ang aking pamilya, at ang mga naghihirap.
Sa Iyong mga kamay, Panginoon, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu.
Dalawin Mo po, Panginoon, ang tahanang ito at ilayo Mo rito ang lahat ng bitag ng kaaway;
nawa'y manahan dito ang Iyong mga banal na anghel at ingatan kami sa kapayapaan,
at ang Iyong pagpapala ay laging sumasaamin.
Sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon. Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 24 ng hulyo 26 ng hulyo →