Santo ng Araw · 1 ng setyembre
Martes ng Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon — Karaniwang Araw
2026 · Martes
Martes ng Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2027 · Miyerkules
Miyerkules ng Ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2028 · Biyernes
Biyernes ng ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 52
1 Bakit mo ipinagyayabang ang iyong panggugulo, ikaw malakas na lalaki? Ang katapatan ng Diyos sa tipan ay dumarating araw-araw.
2 Nagbabalak ang iyong dila tulad ng matalim na labaha na mapandayang gumagawa.
3 Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan at kasinungalingan kaysa sa pagsasabi ng katuwiran. Selah
4 Mahal mo ang lahat ng mga salitang sumisira sa iba, ikaw na mandarayang dila.
5 Kaya wawasakin ka rin ng Diyos magpakailanman; siya ang mag-aalis sa iyo at hahatakin kang palabas sa iyong tolda at bubunutin ka mula sa lupain ng mga nabubuhay. Selah
6 Ang matuwid ay makikita rin ito at matatakot; tatawanan siya nila at sasabihing,
7 “Tingnan mo, ito ang taong hindi ang Diyos ang ginawang kalakasan pero nagtiwala sa kasaganahan ng kaniyang kayamanan at pinatunayan ang kaniyang sarili sa kasamaang kaniyang ginagawa.”
8 Pero para sa akin, katulad ko ang isang berdeng punong olibo sa tahanan ng Diyos; ako ay magtitiwala sa katapatan ng Diyos sa tipan magpakailanpaman.
9 Ako ay magbibigay pasasalamat, O Diyos, magpakailanman dahil sa mga bagay na iyong ginawa. Umaasa ako sa iyong pangalan, dahil ito ay mabuti sa harapan ng mga matatapat.
Panalangin ng Araw: Panalangin sa Gabi
sa buhay, sa kalusugan, sa tinapay, at sa mga taong mahal ko.
Patawarin Mo po ako sa aking mga pagkukulang at sa kabutihang hindi ko nagawa.
Sa gabing ito, ingatan Mo po ang aking tahanan, ang aking pamilya, at ang mga naghihirap.
Sa Iyong mga kamay, Panginoon, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu.
Dalawin Mo po, Panginoon, ang tahanang ito at ilayo Mo rito ang lahat ng bitag ng kaaway;
nawa'y manahan dito ang Iyong mga banal na anghel at ingatan kami sa kapayapaan,
at ang Iyong pagpapala ay laging sumasaamin.
Sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon. Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.