Santo ng Araw · 8 ng oktubre
Huwebes ng Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon — Karaniwang Araw
2026 · Huwebes
Huwebes ng Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2027 · Biyernes
Biyernes ng Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2028 · Linggo
Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon
Linggo · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 11
1 Kumukubli ako kay Yahweh; paano mo sasabihin sa aking, “Tumakas ka katulad ng isang ibon sa bundok”?
2 Tingnan mo! Inihahanda ng mga masasama ang kanilang mga pana. Inihahanda nila ang kanilang mga palaso sa tali para panain sa dilim ang pusong matuwid.
3 Dahil kung ang mga pundasyon ay nasira, ano ang kayang gawin ng matuwid?
4 Si Yahweh ay nasa kaniyang banal na templo; ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, sinusuri ng kaniyang mga mata ang mga anak ng mga tao.
5 Parehong sinusuri ni Yahweh ang matuwid at masama, pero kinapopootan niya ang mga gumagawa ng karahasan.
6 Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa mga masasama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa!
7 Dahil si Yahweh ay matuwid, at mahal niya ang katuwiran; makikita ng matuwid ang kaniyang mukha.
Panalangin ng Araw: Handog sa Umaga
inihahandog ko sa Iyo ang aking mga panalangin, gawa, kagalakan at pagdurusa sa araw na ito,
kaisa ng Banal na Sakripisyo ng Misa sa buong daigdig,
bilang kabayaran sa aking mga kasalanan,
para sa mga layunin ng lahat ng aming mga kasama
at para sa mga layunin ng Santo Papa sa buwang ito.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.