Santo ng Araw · 15 ng nobyembre
Ika-33 Linggo ng Karaniwang Panahon — Linggo
2026 · Linggo
Ika-33 Linggo ng Karaniwang Panahon
Linggo · Karaniwang Panahon berde
2027 · Lunes
San Alberto Magno, Obispo at Doktor ng Simbahan
Opsyonal na Paggunita · Karaniwang Panahon berde
2028 · Miyerkules
San Alberto Magno, Obispo at Doktor ng Simbahan
Opsyonal na Paggunita · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 127
1 Maliban na lang kung si Yahweh ang magtatayo ng bahay, walang saysay ang trabaho ng mga nagtayo nito. Maliban na lang na si Yahweh ang magbabantay ng lungsod, walang saysay ang pagbabantay ng mga tagapagbantay nito.
2 Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog.
3 Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.
4 Tulad ng mga palaso sa kamay ng isang mandirigma, gayundin ang mga anak ng iyong kabataan.
5 Mapalad ang taong puno ang kaniyang talangga ng palaso. Hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag hinarap niya ang kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.
Panalangin ng Araw: Handog sa Umaga
inihahandog ko sa Iyo ang aking mga panalangin, gawa, kagalakan at pagdurusa sa araw na ito,
kaisa ng Banal na Sakripisyo ng Misa sa buong daigdig,
bilang kabayaran sa aking mga kasalanan,
para sa mga layunin ng lahat ng aming mga kasama
at para sa mga layunin ng Santo Papa sa buwang ito.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.