Santo ng Araw · 17 ng nobyembre

Santa Isabel ng Unggarya — Paggunita

2026 · Martes

Santa Isabel ng Unggarya
Paggunita · Karaniwang Panahon puti

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

2027 · Miyerkules

Santa Isabel ng Unggarya
Paggunita · Karaniwang Panahon puti

Rosaryo Ngayon: Maluluwalhati

2028 · Biyernes

Santa Isabel ng Unggarya
Paggunita · Karaniwang Panahon puti

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

Salmo ng Araw: Salmo 141

1 Yahweh, ako ay tumatawag sa iyo; lumapit ka agad sa akin. Makinig ka sa akin kapag tumawag ako sa iyo.

2 Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi.

3 Yahweh, maglagay ka ng isang bantay sa aking bibig; bantayan mo ang pintuan ng aking mga labi.

4 Huwag mong hayaan ang aking puso na magnais ng kahit anong masamang bagay o sumama sa makasalanang mga gawain kasama ang mga taong kumikilos ng masama. Nawa ang kanilang masarap na pagkain ay hindi ko kainin.

5 Hayaan mong saktan ako ng taong matuwid; ito ay isang kabutihan sa akin. Hayaan mo siyang itama ako; ito ay magiging gaya ng langis sa aking ulo; nawa hindi ito tanggihan ng aking ulo. Pero ang aking panalangin ay palaging laban sa mga gawa ng masasama.

6 Ang kanilang mga pinuno ay ihuhulog mula sa itaas ng bangin; maririnig nila na aking sariling mga salita ay kaaya-aya.

7 Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.”

8 Tiyak na ang aking mga mata ay nasa iyo, Yahweh, Panginoon; sa iyo ako nagkukubli; huwag mong iwanan ang aking kaluluwa ng walang pagtatanggol.

9 Pangalagaan mo ako mula sa mga bitag na kanilang inilatag para sa akin, mula sa mga patibong ng mga gumagawa ng masama.

10 Hayaan mong mahulog ang masasama sa kanilang sariling lambat habang ako ay tumatakas.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Pagbasbas Bago Kumain

Basbasan Mo, Panginoon, kami at ang mga pagkaing ito
na aming tatanggapin, mga kaloob ng Iyong kabutihan.
Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Bigyan Mo, Panginoon, ng tinapay ang nagugutom
at gutom sa Diyos ang may tinapay.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 16 ng nobyembre 18 ng nobyembre →