Santo ng Araw · 12 ng disyembre

Mahal na Birhen ng Guadalupe — Opsyonal na Paggunita

2026 · Sabado

Mahal na Birhen ng Guadalupe
Opsyonal na Paggunita · Adbyento lila

Rosaryo Ngayon: Masasaya

2027 · Linggo

Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Linggo · Adbyento rosas

Rosaryo Ngayon: Maluluwalhati

2028 · Martes

Mahal na Birhen ng Guadalupe
Opsyonal na Paggunita · Adbyento lila

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

Salmo ng Araw: Salmo 16

1 Ingatan mo ako, O Diyos, dahil sa iyo ako kumukubli.

2 Sinasabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; ang kabutihan ko ay walang saysay nang malayo sa iyo.

3 Para sa mga taong banal na nasa daigdig, sila ay mararangal na tao; ang kasiyahan ko ay nasa kanila.

4 Ang kanilang kapahamakan ay lalawig, silang naghahanap ng ibang diyos. Hindi ako magbubuhos ng inuming handog na dugo sa kanilang mga diyos o magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi.

5 Ikaw ang aking bahagi at ang aking kopa, O Yahweh. Hawak mo aking tadhana.

6 Mga panukat na guhit ay inalagay para sakin sa mga kalugod-lugod na lugar; tiyak na magandang pamana ang inilaan para sa akin.

7 Pupurihin ko si Yahweh na naggagabay sa akin; maging sa gabi, ang isipan ko ay nagtuturo sa akin.

8 Inuuna ko si Yahweh sa lahat ng oras, kaya't hindi ako mayayanig mula sa kaniyang kanang kamay!

9 Kaya nga ang puso ko ay magagalak, ang nagpaparangal kong puso ay magpupuri sa kaniya; tiyak na mabubuhay ako nang panatag.

10 Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay.

11 Tinuturo mo sa akin ang landas ng buhay; nag-uumapaw na kagalakan ay nananahan sa iyong piling; labis na tuwa ay nananatili sa iyong kanang kamay magpakailanman!

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
Maylikha ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Ipinaglihi sa lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Nagpakasakit sa ilalim ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula ang paghuhukom sa mga buhay at patay.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga Banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 11 ng disyembre 13 ng disyembre →