Salmo 61
Comfort
1 O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin.
2 Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin.
3 Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway.
4 Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. Selah
5 Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan.
6 Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi.
7 Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman;
8 Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata.
Pagbilang ng Hebreo, ang pinakaginagamit sa mga Bibliya at paghahanap. Sa liturhiya Katolika (pagbilang ng Griyego), ang salmong ito ay maaaring lumabas na may mas kaunting numero sa pagitan ng 10 at 147.