Santo ng Araw · 1 ng enero
Maria, Ina ng Diyos — Solemne
Salmo ng Araw: Salmo 1
1 Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, o tumatayo sa daanan kasama ang mga makasalanan, o umuupo sa kapulungan ng mga nangungutya.
2 Pero ang kaniyang kagalakan ay nasa batas ni Yahweh, at sa kaniyang batas, nagbubulay-bulay siya araw at gabi.
3 Siya ay matutulad sa isang puno na nakatanim malapit sa mga batis ng tubig na namumunga sa panahon nito, na ang mga dahon ay hindi nalalanta; anuman ang kaniyang gawin ay sasagana.
4 Ang mga masasama ay hindi katulad nito, sa halip sila ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin.
5 Kaya ang masama ay hindi makatatayo sa paghahatol, maging ang mga makasalanan sa kapulungan ng matuwid.
6 Dahil sinasang-ayunan ni Yahweh ang daanan ng matuwid, pero ang daanan ng masama ay mapupuksa.
Panalangin ng Araw: Ama Namin
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.