Santo ng Araw · 10 ng enero
Sabado Pagkatapos ng Epipanya — Karaniwang Araw
2026 · Sabado
Sabado Pagkatapos ng Epipanya
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko puti
2027 · Linggo
Pagbibinyag ng Panginoon
Kapistahan · Panahon ng Pasko puti
2028 · Lunes
Lunes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 64
1 Dinggin mo ang aking tinig, O Diyos, pakinggan mo ang aking daing; ingatan mo ang aking buhay mula sa takot mula sa aking mga kaaway.
2 Itago mo ako mula sa lihim na pakana ng mga mapaggawa ng masama, mula sa kaguluhan ng mga gumagawa ng masama.
3 Hinasa nila ang kanilang mga dila gaya ng mga espada; itinutok nila ang kanilang mga palaso, mapapait na mga salita,
4 para panain nila mula sa lihim na mga lugar ang mga taong walang kasalanan; agad nilang papanain siya at walang kinatatakutan.
5 Pinalalakas nila ang kanilang loob sa masamang plano; palihim silang nagpulong para maglagay ng mga patibong; sinasabi nila, “Sino ang makakikita sa atin?”
6 Lumikha sila ng mga planong makasalanan; “Natapos namin,” sinasabi nila, “ang isang maingat na plano.” Malalim ang saloobin at puso ng tao.
7 Pero papanain sila ng Diyos; kaagad silang masusugatan ng kaniyang mga palaso.
8 Madarapa sila, dahil laban sa kanila ang kanilang mga dila; iiling sa kanilang mga ulo ang lahat ng makakakita sa kanila.
9 Matatakot ang lahat ng mga tao at ihahayag ang mga gawa ng Diyos. Pag-iisipan nilang mabuti ang tungkol sa kaniyang mga ginawa.
10 Magagalak kay Yahweh ang matuwid at kukubli sila sa kaniya; magmamalaki ang lahat ng matapat sa puso.
Panalangin ng Araw: Ang Magnificat
At ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin.
Mula ngayon, tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi,
Sapagkat gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
At banal ang kanyang pangalan.
Ang kanyang awa ay sumasalahat ng salinlahi,
Sa mga may takot sa kanya.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig,
Pinangalat niya ang mga palalo sa kanilang puso.
Ibinagsak niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang trono,
At itinaas ang mga mapagpakumbaba.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
At pinauwi niyang walang dala ang mga mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang lingkod na Israel,
Na alalahanin ang kanyang awa,
Gaya ng ipinangako niya sa ating mga magulang,
Kay Abraham at sa kanyang lahi magpakailanman.
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman. Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.