Santo ng Araw · 19 ng enero

Lunes ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon — Karaniwang Araw

2026 · Lunes

Lunes ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Masasaya

2027 · Martes

Martes ng Ika-2 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

2028 · Miyerkules

Miyerkules ng Ika-2 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Maluluwalhati

Salmo ng Araw: Salmo 127

1 Maliban na lang kung si Yahweh ang magtatayo ng bahay, walang saysay ang trabaho ng mga nagtayo nito. Maliban na lang na si Yahweh ang magbabantay ng lungsod, walang saysay ang pagbabantay ng mga tagapagbantay nito.

2 Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog.

3 Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.

4 Tulad ng mga palaso sa kamay ng isang mandirigma, gayundin ang mga anak ng iyong kabataan.

5 Mapalad ang taong puno ang kaniyang talangga ng palaso. Hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag hinarap niya ang kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Regina Caeli

Reyna ng Langit, magalak ka, aleluya,
Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan, aleluya,
Ay muling nabuhay ayon sa kanyang sinabi, aleluya.
Ipanalangin mo kami sa Diyos, aleluya.

Magalak at magbunyi ka, Birheng Maria, aleluya.
Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon, aleluya.

Manalangin tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo, ay minarapat mong pasayahin ang sanlibutan, ipagkaloob mo, aming idinadalangin, na sa pamamagitan ng kanyang Ina, ang Birheng Maria, ay makamtan namin ang kagalakan ng buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 18 ng enero 20 ng enero →