Santo ng Araw · 29 ng enero
Huwebes ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon — Karaniwang Araw
2026 · Huwebes
Huwebes ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2027 · Biyernes
Biyernes ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2028 · Sabado
Sabado ng Ika-3 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 47
1 Kayong lahat na mga tao, ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay; sumigaw kayo sa Diyos sa tunog ng tagumpay.
2 Dahil kasindak-sindak ang Kataas-taasang si Yahweh; sa buong mundo siya ang dakilang Hari.
3 Nilulupig niya ang mga tao sa ilalim natin at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
4 Pinipili niya ang ating mamanahin para sa atin, ang kaluwalhatian ni Jacob na minahal niya. Selah
5 Sa pamamagitan ng isang sigaw ang Diyos ay naitaas, si Yahweh sa pamamagitan ng tunog ng isang trumpeta.
6 Umawit ng mga papuri sa Diyos, umawit ng mga papuri; umawit ng mga papuri sa ating Hari, umawit ng mga papuri.
7 Dahil ang Diyos ang Hari ng buong mundo; umawit ng papuri na may pang-unawa.
8 Ang Diyos ay naghahari sa lahat ng mga bansa; ang Diyos ay nakaupo sa kaniyang banal na trono.
9 Ang mga prinsipe ng mga tao ay nagtipon-tipon kasama ang bayan ng Diyos ni Abraham; dahil ang mga pananggalang ng mundo ay pag-aari ng Diyos; siya ay pinarangalan ng lubos.
Panalangin ng Araw: Pagaalay sa Umaga
Pinasasalamatan Kita sa paglikha sa akin, sa paggawa sa akin na Kristiyano, at sa pag-iingat sa akin ngayong gabi.
Iniaalay ko sa Iyo ang lahat ng aking mga gawain sa araw na ito: gawin Mong ang lahat ng ito ay ayon sa Iyong banal na kalooban, para sa Iyong higit na kaluwalhatian.
Iligtas Mo ako sa kasalanan at sa lahat ng masama. Ang Iyong biyaya ay sumasaakin nawa at sa lahat ng aking mga mahal sa buhay. Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.