Santo ng Araw · 7 ng marso
Santa Perpetua at Felicidad, mga Martir — Paggunita
2026 · Sabado
Santa Perpetua at Felicidad, mga Martir
Paggunita · Kwaresma pula
2028 · Martes
Santa Perpetua at Felicidad, mga Martir
Paggunita · Kwaresma pula
Salmo ng Araw: Salmo 6
1 Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit o ituwid sa iyong poot.
2 Maawa ka sa akin, Yahweh, dahil mahina ako; pagalingin mo ako, Yahweh, dahil nanginginig ang aking mga buto.
3 Labis ding nababagabag ang aking kaluluwa. Pero ikaw, Yahweh—hanggang kailan ito magpapatuloy?
4 Bumalik ka, Yahweh! Sagipin mo ako. Iligtas mo ako dahil sa iyong katapatan sa tipan!
5 Dahil walang ala-ala tungkol sa iyo sa kamatayan. Sino ang magbibigay ng pasasalamat sa iyo sa sheol?
6 Pagod na ako sa aking paghihinagpis. Buong gabi kong binabasa ng luha ang aking higaan; hinuhugasan ko ng luha ang aking upuan.
7 Lumalabo ang aking mga mata dahil sa kalungkutan; nanghihina ang mga ito dahil sa aking mga kaaway.
8 Lumayo kayo sa akin, kayo na gumagawa ng kasalanan; dahil narinig ni Yahweh ang ingay ng aking pagtangis.
9 Narinig ni Yahweh ang aking pagmamakaawa; tinanggap ni Yahweh ang aking panalangin.
10 Lahat ng mga kaaway ko ay mapapahiya at labis na mababalisa. Aatras sila at agad silang hahamakin.
Panalangin ng Araw: Panalangin sa Mahal na Birhen ng Aparecida
O matamis na Ina, huwag mong ipahintulot na kami ay saktan ng mga kaaway ng kaluluwa at katawan, kundi, ipagtanggol mo kami sa iyong pinakamakapangyarihang tulong laban sa lahat ng panganib at kasamaan, upang, sa iyong patnubay, kami ay makarating sa daungan ng kaligtasan at buhay na walang hanggan.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.