Santo ng Araw · 18 ng marso

San Cirilo ng Jerusalem, Obispo at Doktor ng Simbahan — Paggunita

2026 · Miyerkules

San Cirilo ng Jerusalem, Obispo at Doktor ng Simbahan
Paggunita · Kwaresma lila

Rosaryo Ngayon: Maluluwalhati

2027 · Huwebes

San Cirilo ng Jerusalem, Obispo at Doktor ng Simbahan
Paggunita · Kwaresma lila

Rosaryo Ngayon: Maliwanag

2028 · Sabado

San Cirilo ng Jerusalem, Obispo at Doktor ng Simbahan
Paggunita · Kwaresma lila

Rosaryo Ngayon: Masasaya

Salmo ng Araw: Salmo 83

1 O Diyos, huwag kang manahimik! Huwag mo kaming isawalang bahala at manatiling hindi kumikilos, O Diyos.

2 Tingnan mo, ang iyong mga kaaway ay nanggugulo, at ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas.

3 Sila ay nagsasabwatan laban sa iyong bayan at magkakasamang nagbabalak laban sa iyong mga pinangangalagaan.

4 Sinabi nila, “Halina, at wasakin natin sila bilang isang bansa. Sa gayon ang pangalan ng Israel ay hindi na maaalala pa.”

5 Sama-sama silang nagbalak ng isang mahusay na paraan; gumawa sila ng alyansa laban sa iyo.

6 Kabilang dito ang mga tolda ng Edom at ang mga Ismaelita, at ang mga mamamayan ng Moab at ang Agarenos, na nagbalak ng masama kasama nina

7 Gebal, Ammon, Amalek; kabilang din dito ang Filistia at ang mga nakatira sa Tiro.

8 Ang Asiria ay kaanib din nila; sila ay tumutulong sa kaapu-apuhan ni Lot. Selah

9 Gawin mo sa kanila ang tulad ng ginawa mo sa Midian, sa Sisera at sa Jabi sa Ilog ng Kison.

10 Namatay sila sa Endor at naging tulad ng pataba sa lupa.

11 Gawin mong tulad nina Oreb at Zeeb ang kanilang mga maharlika, at lahat ng kanilang mga prinsipe tulad nina Zeba at Zalmuna.

12 Sinabi nila, “Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos.”

13 Aking Diyos, gawin mo silang tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin,

14 tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.

15 Habulin mo sila ng iyong malakas na hangin, at sindakin sila ng iyong bagyo.

16 Balutan mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan para hanapin nila ang iyong mukha, Yahweh.

17 Nawa mailagay sila sa kahihiyan at masindak magpakailanman; nawa ay mamatay sila sa kahihiyan.

18 At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 17 ng marso 19 ng marso →