Santo ng Araw · 23 ng marso

San Toribio ng Mogrovejo, Obispo — Paggunita

2026 · Lunes

San Toribio ng Mogrovejo, Obispo
Paggunita · Kwaresma lila

Rosaryo Ngayon: Masasaya

2027 · Martes

Martes Santo
Mahal na Araw · Mahal na Araw lila

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

2028 · Huwebes

San Toribio ng Mogrovejo, Obispo
Paggunita · Kwaresma lila

Rosaryo Ngayon: Maliwanag

Salmo ng Araw: Salmo 118

1 Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, ang kaniyang katapatan sa tipan ay magpakailanman.

2 Hayaangm magsabi ang Israel, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.

3 Hayaang magsabi ang sambahayan ni Aaron, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.

4 Hayaang magsabi ang mga matapat na tagasunod ni Yahaweh, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.”

5 Sa aking pagdurusa ay tumawag ako kay Yahweh; sinagot ako ni Yahweh at pinalaya ako.

6 Si Yahweh ay kasama ko; hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin?

7 Si Yahweh ay katulong ko sa aking panig: kaya nakikita ang tagumpay ko sa kanila na napopoot sa akin.

8 Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao.

9 Mas mabuting magkubli kay Yahweh kaysa magtiwala sa mga tao.

10 Nakapalibot sakin ang buong bansa; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.

11 Ako ay pinalilibutan nila; oo, ako ay pinalilibutan nila; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.

12 Ako ay pinalibutan nila na parang mga bubuyog; sila ay mabilis na naglaho na parang apoy sa gitna ng mga tinik; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.

13 Nilusob nila ako para patumbahin, pero tinulungan ako ni Yahweh.

14 Kalakasan at kagalakan ko si Yahweh, at siya ang nagligtas sa akin.

15 Ang sigaw ng kagalakan ng tagumpay ay narinig sa mga tolda ng matuwid; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop.

16 Ang kanang kamay ni Yahweh ay itinaas; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop.

17 Hindi ako mamamatay, pero mabubuhay at magpapahayag ako ng mga gawa ni Yahweh.

18 Pinarusahan ako ng malupit ni Yahweh; pero hindi niya ako inilagay sa kamatayan.

19 Buksan para sa akin ang mga tarangkahan ng katuwiran; papasok ako sa kanila at magpapasalamat kay Yahweh.

20 Ito ang tarangkahan ni Yahweh; ang mga matuwid ay papasok dito.

21 Ako ay magpapasalamat sa iyo dahil sinagot mo ako, at ikaw ang naging kaligtasan ko.

22 Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato.

23 Ito ay gawa ni Yahweh; kagila-gilalas ito sa harap ng ating mga mata.

24 Ito ang araw na kumilos si Yahweh; tayo ay magalak at magsaya.

25 Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay! Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay!

26 Pagpapalain siyang dumarating sa pangalan ni Yahweh; pinagpapala ka namin mula sa tahanan ni Yahweh.

27 Si Yahweh ay Diyos, at binigyan niya kami ng liwanag; itali ninyo ang handog ng mga panali sa mga sungay ng altar.

28 Ikaw ang aking Diyos, at magpapasalamat ako sa iyo; ikaw ang aking Diyos, ikaw ang aking itataas.

29 O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti; ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Panalangin sa Anghel na Tagapagbantay

O, Anghel ng Diyos,
aking tagapagbantay,
na sa akin ay ipinagkatiwala ng kabanalan ng Diyos,
liwanagan mo ako, bantayan, pamahalaan at patnubayan.
Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 22 ng marso 24 ng marso →