Santo ng Araw · 24 ng marso
Martes ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma — Karaniwang Araw
2026 · Martes
Martes ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma
Karaniwang Araw · Kwaresma lila
2028 · Biyernes
Biyernes ng Ika-3 Linggo ng Kuwaresma
Karaniwang Araw · Kwaresma lila
Salmo ng Araw: Salmo 125
1 Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.
2 Gaya ng mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem, gayundin nakapalibot si Yahweh sa kaniyang bayan ngayon at magpakailanman.
3 Ang setro ng kasamaan ay hindi dapat mamuno sa lupain ng mga matutuwid. Kung hindi, ang mga matutuwid ay maaring gawin kung ano ang mali.
4 Yahweh, gumawa ka ng mabuti, sa kanilang mga mabuti at sa mga matuwid sa kanilang mga puso.
5 Pero para naman sa kanilang mga lumilihis para sa kanilang masasamang pamamaraan, itataboy sila ni Yahweh kasama ang mga gumagawa ng masasama. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.
Panalangin ng Araw: Panalangin kay San Miguel Arkanghel
ipagtanggol mo kami sa labanan.
Maging aming kuta laban sa kasamaan at mga silo ng demonyo.
Mapagpakumbabang hinihiling namin na siya nawa'y sawayin ng Diyos.
At ikaw, Prinsipe ng Hukbo ng Langit,
sa kapangyarihan ng Diyos,
itapon mo sa impiyerno si Satanas
at ang lahat ng masasamang espiritu
na gumagala sa mundo upang ipahamak ang mga kaluluwa.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.