Santo ng Araw · 7 ng abril

Martes ng Pasko ng Muling Pagkabuhay — Solemne

2026 · Martes

Martes ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Solemne · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

2027 · Miyerkules

San Juan Bautista de la Salle, Pari
Paggunita · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti

Rosaryo Ngayon: Maluluwalhati

2028 · Biyernes

San Juan Bautista de la Salle, Pari
Paggunita · Kwaresma puti

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

Salmo ng Araw: Salmo 73

1 Sadyang mabuti ang Diyos sa Israel sa mga may dalisay na puso.

2 Pero para sa akin, halos dumulas ang aking mga paa; halos dumulas ang aking mga paa sa aking paghakbang

3 dahil nainggit ako sa arogante nang makita ko ang kasaganaan ng masasama.

4 Dahil wala silang sakit hanggang sa kanilang kamatayan, kundi sila ay malakas at nakakakain nang mabuti.

5 Malaya sila mula sa mga pasanin tulad ng ibang mga tao; hindi sila nahihirapan katulad ng ibang mga tao.

6 Ang pagmamalaki ay nagpapaganda sa kanila na tulad ng kwintas na nakapalibot sa kanilang leeg; dinadamitan sila ng karahasan tulad ng balabal.

7 Mula sa ganoong pagkabulag nagmumula ang kasalanan; ang masamang mga kaisipan ay tumatagos sa kanilang mga puso.

8 Nangungutya silang nagsasabi ng mga masasamang bagay; nagmamalaki silang nagbabanta ng karahasan.

9 Nagsasalita sila laban sa kalangitan, at ang kanilang mga dila ay gumagala sa daigdig.

10 Kaya, ang bayan ng Diyos ay nakikinig sa kanila at ninanamnam ang kanilang mga salita.

11 Sinasabi nila, “Paano nalalaman ng Diyos? Alam ba ng Diyos kung ano ang nangyayari?”

12 Pansinin ninyo: ang mga taong ito ay masama; wala silang inaalala, lalo pa silang nagiging mayaman.

13 Sadyang walang kabuluhan na bantayan ko ang aking puso at hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan.

14 Dahil buong araw akong pinahirapan at dinisiplina bawat umaga.

15 Kung aking sinabi, “Sasabihin ko ang mga bagay na ito,” parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak.

16 Kahit na sinubukan kong unawain ang mga bagay na ito, napakahirap nito para sa akin.

17 Pagkatapos pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos at naunawaan ang kanilang kapalaran.

18 Sadyang inilalagay mo sila sa madudulas na mga lugar; dinadala mo sila sa pagkawasak.

19 Paano sila naging disyerto sa isang iglap! Sumapit sila sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.

20 Katulad sila ng panaginip matapos magising; Panginoon, kapag ikaw ay tumindig, wala kang iisiping ganoong mga panaginip.

21 Dahil nagdalamhati ang aking puso, at ako ay labis na nasugatan.

22 Ako ay mangmang at kulang sa pananaw; ako ay katulad ng walang alam na hayop sa harapan mo.

23 Gayumpaman, ako ay palaging kasama mo; hawak mo ang aking kanang kamay.

24 Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.

25 Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo? Walang sinuman na nasa daigdig ang aking ninanais kundi ikaw.

26 Humina man ang aking katawan at ang aking puso, pero ang Diyos ang lakas ng aking puso magpakailanman.

27 Ang mga malayo sa iyo ay mamamatay; wawasakin mo ang lahat ng mga taksil sa iyo.

28 Pero para sa akin, ang kailangan ko lang gawin ay lumapit sa Diyos. Ginawa kong kublihan si Yahweh na aking Panginoon. Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga gawa.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Panalangin kay San Jorge

Ako'y lalakad na nakasuot at armado ng mga sandata ni San Jorge, upang ang aking mga kaaway, bagaman may mga paa ay hindi ako maabutan, bagaman may mga kamay ay hindi ako mahawakan, bagaman may mga mata ay hindi ako makita, at maging sa kanilang mga isipan ay hindi nila ako magawan ng masama.

Ang mga baril ay hindi makakaabot sa aking katawan; ang mga kutsilyo at sibat ay mababali nang hindi man lang makarating sa aking katawan; ang mga lubid at tanikala ay mapuputol nang hindi man lang makatali sa aking katawan.

O Hesus Kristo, protektahan mo ako at ipagtanggol sa kapangyarihan ng Iyong banal at makalangit na biyaya. Birhen ng Nazaret, takpan mo ako ng Iyong sagrado at banal na balabal, ipagtanggol ako sa lahat ng aking mga sakit at paghihirap. At Diyos, sa Iyong banal na awa at dakilang kapangyarihan, ipagtanggol mo ako at iligtas sa kasamaan at pag-uusig ng mga kaaway.

Mal'walhating San Jorge, sa Ngalan ng Diyos, iunat mo sa akin ang iyong kalasag at ang iyong makapangyarihang sandata, ipagtanggol mo ako sa iyong lakas at sa iyong kadakilaan, at nawa'y sa ilalim ng mga paa ng iyong tapat na kabayo, ang aking mga kaaway ay maging mapagpakumbaba at masunurin sa iyo.

Gayon nawa sa kapangyarihan ng Diyos, ni Hesus, at ng hukbo ng Banal na Espiritu Santo. Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 6 ng abril 8 ng abril →