Santo ng Araw · 7 ng mayo

Huwebes ng Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay — Karaniwang Araw

2026 · Huwebes

Huwebes ng Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti

Rosaryo Ngayon: Maliwanag

2027 · Biyernes

Biyernes ng Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

2028 · Linggo

Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Linggo · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti

Rosaryo Ngayon: Maluluwalhati

Salmo ng Araw: Salmo 133

1 Masdan niyo, napakabuti at kaaya-aya para sa mga kapatiran na sama-samang manatili ng may pagkakaisa!

2 Tulad ito ng mamahaling langis sa ulo na dumaloy pababa sa balbas ni Aaron, na dumaloy sa kaniyang mga kasuotan.

3 Tulad ito ng hamog sa Hermon, na bumababa sa bundok ng Sion. Dahil doon nag-utos si Yahweh ng pagpapala, buhay magpakailanman.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Ang Angelus

Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria.
At siya'y naglihi sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
Ipanalangin mo kaming makasalanan,
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.
Narito ang alipin ng Panginoon.
Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
Ipanalangin mo kaming makasalanan,
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.
At ang Verbo ay nagkatawang-tao.
At nakipamuhay sa atin.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
Ipanalangin mo kaming makasalanan,
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.
Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.
Upang kami'y maging marapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.
Manalangin tayo:
O Diyos, ipinagkaloob mo sa amin ang iyong biyaya sa pamamagitan ng pagbabalita ng Anghel, upang aming makilala ang pagkakatawang-tao ni Kristo, ang iyong Anak. Hinihiling namin na sa pamamagitan ng kanyang Pasyon at Krus, kami ay makarating sa kaluwalhatian ng muling pagkabuhay. Sa pamamagitan din ni Kristo, aming Panginoon. Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 6 ng mayo 8 ng mayo →