Santo ng Araw · 12 ng agosto
Santa Juana Francisca de Chantal, Relihiyosa — Opsyonal na Paggunita
2026 · Miyerkules
Santa Juana Francisca de Chantal, Relihiyosa
Opsyonal na Paggunita · Karaniwang Panahon berde
2027 · Huwebes
Santa Juana Francisca de Chantal, Relihiyosa
Opsyonal na Paggunita · Karaniwang Panahon berde
2028 · Sabado
Santa Juana Francisca de Chantal, Relihiyosa
Opsyonal na Paggunita · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 62
1 Sa Diyos lamang ako naghihintay nang tahimik; magmumula sa kaniya ang aking kaligtasan.
2 Siya lamang ang aking muog at aking kaligtasan; siya ang aking mataas na tore; ako ay hindi matitinag.
3 Hanggang kailan kayong lahat sasalakay sa isang tao, para pabagsakin siya tulad ng isang pader o isang maugang bakuran?
4 Sumasangguni sila sa kaniya para ibagsak siya mula sa kaniyang marangal na posisyon; mahilig silang magsabi ng mga kasinungalingan; siya ay pinagpapala nila sa kanilang mga bibig, pero sa kanilang mga puso siya ay kanilang isinusumpa. Selah
5 Naghihintay ako nang tahimik para lamang sa Diyos; dahil nakatuon ang aking pag-asa sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking muog at kaligtasan; siya ang aking mataas na tore; ako ay hindi matitinag.
7 Sa Diyos ang aking kaligtasan at kaluwalhatian; nasa Diyos ang saligan ng aking kalakasan at kanlungan.
8 Magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng oras, kayong mga tao; ibuhos ninyo ang inyong puso sa kaniyang harapan; kanlungan natin ang Diyos. Selah
9 Tunay na walang kabuluhan ang mga lalaking mahina ang katayuan, at kasinungalingan ang mga lalaking mataas ang katayuan; magaan silang tinimbang sa sukatan; pareho silang tinimbang, sila ay magaan kaysa sa wala.
10 Huwag kang magtitiwala sa pang-aapi o pagnanakaw; at huwag umasa sa walang kabuluhan na mga kayamanan, dahil wala itong maibubunga; huwag mong itutuon ang iyong puso sa mga ito.
11 Minsang nagsalita ang Diyos, dalawang beses kong narinig ang mga ito: sa Diyos nauukol ang kapangyarihan.
12 Gayundin sa inyo, Panginoon, nauukol ang katapatan sa tipan, dahil binabayaran mo ang bawat tao kung ano ang kaniyang ginawa.
Panalangin ng Araw: Mga Panalangin ng Fatima at ng Anghel ng Fatima
Aking Diyos, sumasampalataya ako, sumasamba, umaasa at umiibig sa Iyo. Hinihiling ko ang Iyong kapatawaran para sa mga hindi sumasampalataya, hindi sumasamba, hindi umaasa at hindi umiibig sa Iyo.
Santísima Trinidad, Ama, Anak at Espiritu Santo, sinasamba Kita nang buong puso at iniaalay ko sa Iyo ang mahalagang-mahalagang Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Aming Panginoong Hesukristo, na naroroon sa lahat ng tabernakulo sa mundo, bilang kabayaran sa mga paglapastangan, sakrilehiyo at kawalang-bahala na ipinagkakasala sa Kanya. At sa pamamagitan ng walang hanggang merito ng Kanyang Kabanal-banalang Puso at ng Kalinis-linisang Puso ni Maria, hinihiling ko ang pagbabagong-loob ng mga mahihirap na makasalanan.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.