Santo ng Araw · 17 ng agosto

Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon — Karaniwang Araw

2026 · Lunes

Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Masasaya

2027 · Martes

Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

2028 · Huwebes

Huwebes ng ika-19 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Maliwanag

Salmo ng Araw: Salmo 97

1 Naghahari si Yahweh; hayaang magalak ang daigdig; hayaang matuwa ang maraming kapuluan.

2 Pumapalibot sa kanya ang mga ulap at kadiliman. Katuwiran at katarungan ang saligan ng kanyang trono.

3 Ang apoy ang nasa kanyang unahan at tumutupok sa kanyang mga kaaway sa lahat ng dako.

4 Ang kanyang kidlat ang lumiliwanag sa mundo; nakikita ng daigdig at nayayanig.

5 Ang mga bundok ay natutunaw gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong daigdig.

6 Ipinapahayag ng kalangitan ang kanyang katarungan, at nakikita ng lahat ng mga bansa ang kanyang kaluwalhatian.

7 Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!

8 Narinig ng Sion at natuwa, at ang mga bayan ng Juda ay nagalak dahil sa iyong matuwid na mga kautusan, Yahweh.

9 Dahil ikaw, Yahweh, ay kataas-taasan sa buong daigdig. Ikaw ay dinadakila higit sa lahat ng mga diyos.

10 Kayong mga nagmamahal kay Yahweh, kamuhian ninyo ang masama! Ipinagtatanggol niya ang buhay ng kanyang mga banal at inililigtas niya sila sa kamay ng mga masasama.

11 Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid at katuwaan para sa mga may matapat na puso.

12 Magalak kay Yahweh, kayong matutuwid; at magbigay ng pasasalamat sa kanyang banal na pangalan.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Ama Namin

Ama Namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 16 ng agosto 18 ng agosto →