Santo ng Araw · 24 ng agosto
San Bartolome, Apostol — Kapistahan
Salmo ng Araw: Salmo 146
1 Purihin si Yahweh. Aking kaluluwa, purihin si Yahweh.
2 Ako ay magpupuri kay Yahweh habang ako ay nabubuhay; ako ay aawit ng mga papuri sa aking Diyos habang ako ay nabubuhay.
3 Huwag mong ilagay ang iyong pagtitiwala sa mga prinsipe o sa sangkatauhan, kung saan walang kaligtasan.
4 Kapag ang hininga ng isang tao ay huminto, siya ay bumabalik sa lupa; sa araw na iyon matatapos ang kaniyang mga plano.
5 Mapalad siya na may Diyos ni Jacob para tulungan siya, na ang pag-asa ay na kay Yahweh na kaniyang Diyos.
6 Nilikha ni Yahweh ang langit at lupa, ang dagat, at ang lahat ng mayroon sila; kaniyang pinagmamasdan ang pagiging mapagkakatiwalaan magpakailanman.
7 Siya ang nagpapatupad ng katarungan sa mga inaapi at nagbibigay ng pagkain sa nagugutom. Pinapalaya ni Yahweh ang mga bilanggo;
8 minumulat ni Yahweh ang mga mata ng bulag; ibinabangon ni Yahweh ang mga nalulugmok; iniibig ni Yahweh ang mga matutuwid.
9 Inaalagaan ni Yahweh ang mga dayuhan sa lupain; kaniyang pinapasan ang mga walang ama at mga balo, pero siya ang sumasalungat sa masasama.
10 Si Yahweh na iyong Diyos, ang maghahari magpakailanman, Sion, para sa lahat ng henerasyon. Purihin si Yahweh.
Panalangin ng Araw: Panalangin ni San Francisco
Kung saan may poot, hayaan Mo akong maghasik ng pag-ibig;
Kung saan may kapinsalaan, hayaan Mo akong maghasik ng kapatawaran;
Kung saan may pagtatalo, hayaan Mo akong maghasik ng pagkakaisa;
Kung saan may pagdududa, hayaan Mo akong maghasik ng pananampalataya;
Kung saan may kamalian, hayaan Mo akong maghasik ng katotohanan;
Kung saan may kawalan ng pag-asa, hayaan Mo akong maghasik ng pag-asa;
Kung saan may kadiliman, hayaan Mo akong maghasik ng liwanag;
Kung saan may kalungkutan, hayaan Mo akong maghasik ng kagalakan.
O Banal na Guro, ipagkaloob Mo sa akin na huwag kong hangarin
Na ako'y aliwin kundi ang umaliw;
Na ako'y unawain kundi ang umunawa;
Na ako'y mahalin kundi ang magmahal.
Sapagkat sa pagbibigay ay doon tayo tumatanggap;
Sa pagpapatawad ay doon tayo pinatatawad;
At sa pagkamatay ay doon tayo isisilang sa buhay na walang hanggan.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.