Santo ng Araw · 23 ng disyembre
San Juan ng Kenty, Pari — Opsyonal na Paggunita
2026 · Miyerkules
San Juan ng Kenty, Pari
Opsyonal na Paggunita · Adbyento lila
Salmo ng Araw: Salmo 93
1 Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.
2 Ang iyong trono ay naitayo mula noong unang panahon; ikaw ay mula sa magpakailanman.
3 Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
4 Sa ibabaw ng nagsasalpukang mga alon, ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat, si Yahweh na kataas-taasan ay makapangyarihan.
5 Ang iyong taos pusong mga kautusan ay tunay na mapagkakatiwalaan; ang iyong kabanalan ang nagpapalamuti ng iyong tahanan, Yahweh, magpakailanman.
Panalangin ng Araw: Handog sa Umaga
inihahandog ko sa Iyo ang aking mga panalangin, gawa, kagalakan at pagdurusa sa araw na ito,
kaisa ng Banal na Sakripisyo ng Misa sa buong daigdig,
bilang kabayaran sa aking mga kasalanan,
para sa mga layunin ng lahat ng aming mga kasama
at para sa mga layunin ng Santo Papa sa buwang ito.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.