Santo ng Araw · 5 ng enero
Lunes Pagkatapos ng Epipanya — Karaniwang Araw
2026 · Lunes
Lunes Pagkatapos ng Epipanya
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko puti
2027 · Martes
Martes Pagkatapos ng Epipanya
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko puti
2028 · Miyerkules
Miyerkules pagkatapos ng Epipanya
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko puti
Salmo ng Araw: Salmo 29
1 Kilalanin na si Yahweh— kayo na mga anak ng makapangyarihan— kilalanin na si Yahweh ay may kaluwalhatian at kapangyarihan!
2 Ibigay kay Yahweh ang karangalan na nararapat sa kaniyang pangalan; sambahin si Yahweh sa pananamit na naaangkop para sa kaniyang kabanalan.
3 Ang tinig ni Yahweh ay naririnig sa ibabaw ng mga katubigan; dumadagundong ang Diyos ng kaluwalhatian, dumadagundong si Yahweh sa ibabaw ng katubigan.
4 Ang tinig ni Yahweh ay makapangyarihan; ang tinig ni Yahweh ay kamangha-mangha. Ang tinig ni Yahweh ay nakawawasak ng mga sedar;
5 Ang tinig ni Yahweh ay napagpipira-piraso ang mga sedar ng Lebanon.
6 Pinalulukso niya ang Lebanon tulad ng isang guya at ang Sirion tulad ng isang batang baka.
7 Bumubuga ng lumalagablab na apoy ang tinig ni Yahweh.
8 Ang tinig ni Yahweh ang yumayanig sa ilang; si Yahweh ang yumayanig sa ilang ng Kades.
9 Ang tinig ni Yahweh ang nagdudulot na manganak ang babaeng usa; kinakalbo nito ang mga gubat; pero sa kaniyang templo ang lahat ay nagsasabing, “Kaluwalhatian!”
10 Si Yahweh ay umuupo bilang hari sa ibabaw ng baha; si Yahweh ay umuupo bilang hari magpakailanman.
11 Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kaniyang bayan; Pinagpapala ni Yahweh ng kapayapaan ang kaniyang bayan.
Panalangin ng Araw: Aba Po Santa Mariang Reyna
Ikaw ang kabuhayan at katamisan namin;
Ikaw ang pag-asa namin, Aba!
Sa iyo kami tumatawag, kaming mga pinapanaw na anak ni Eba.
Sa iyo kami humihibik, tumatangis,
dito sa lupang bayang kahapis-hapis.
Kaya nga, Aba, tagapamagitan namin,
ilawit mo sa amin ang mga mata mong maawain.
At saka, pagkatapos ng pagpapatapon sa amin dito,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus,
ang Mahal na Bunga ng iyong sinapupunan.
O malumanay! O maawain! O matamis na Birheng Maria!
Ipanalangin mo kami, O Santa Ina ng Diyos,
Nang kami'y maging marapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.