Santo ng Araw · 16 ng pebrero
Lunes ng Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon — Karaniwang Araw
2026 · Lunes
Lunes ng Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
2027 · Martes
Martes ng Unang Linggo ng Kuwaresma
Karaniwang Araw · Kwaresma lila
2028 · Miyerkules
Miyerkules ng Ika-6 na Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 23
1 Si Yahweh ang aking pastol; hindi ako magkukulang.
2 Pinahihiga niya ako sa luntiang mga pastulan; inaakay niya ako sa tabi ng payapang tubigan.
3 Binabalik niya ang aking buhay; ginagabayan niya ako sa tamang landas alang-alang sa kaniyang pangalan.
4 Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin.
5 Ipinaghahanda mo ako ng isang hapag sa harapan ng aking mga kaaway; binuhusan mo ng langis ang aking ulo; ang saro ko ay nag-uumapaw.
6 Tiyak na kabutihan at katapatan sa tipan ang hahabol sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay; at ako ay mananahanan sa tahanan ni Yahweh habang buhay!
Panalangin ng Araw: Panalangin kay San Benito
Huwag ang dragon ang maging aking gabay.
Lumayas ka, Satanas!
Huwag mo akong payuhan ng mga bagay na walang kabuluhan.
Masama ang iyong iniaalok sa akin;
Inumin mo ang sarili mong lason.
Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.