Santo ng Araw · 26 ng pebrero
Huwebes ng Unang Linggo ng Kuwaresma — Karaniwang Araw
2026 · Huwebes
Huwebes ng Unang Linggo ng Kuwaresma
Karaniwang Araw · Kwaresma lila
2027 · Biyernes
Biyernes ng Ika-2 Linggo ng Kuwaresma
Karaniwang Araw · Kwaresma lila
2028 · Sabado
Sabado ng Ika-7 Linggo ng Karaniwang Panahon
Karaniwang Araw · Karaniwang Panahon berde
Salmo ng Araw: Salmo 93
1 Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.
2 Ang iyong trono ay naitayo mula noong unang panahon; ikaw ay mula sa magpakailanman.
3 Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
4 Sa ibabaw ng nagsasalpukang mga alon, ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat, si Yahweh na kataas-taasan ay makapangyarihan.
5 Ang iyong taos pusong mga kautusan ay tunay na mapagkakatiwalaan; ang iyong kabanalan ang nagpapalamuti ng iyong tahanan, Yahweh, magpakailanman.
Panalangin ng Araw: Regina Caeli
Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan, aleluya,
Ay muling nabuhay ayon sa kanyang sinabi, aleluya.
Ipanalangin mo kami sa Diyos, aleluya.
Magalak at magbunyi ka, Birheng Maria, aleluya.
Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon, aleluya.
Manalangin tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo, ay minarapat mong pasayahin ang sanlibutan, ipagkaloob mo, aming idinadalangin, na sa pamamagitan ng kanyang Ina, ang Birheng Maria, ay makamtan namin ang kagalakan ng buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.