Santo ng Araw · 22 ng mayo

Santa Rita ng Cascia — Opsyonal na Paggunita

2026 · Biyernes

Santa Rita ng Cascia
Opsyonal na Paggunita · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti

Rosaryo Ngayon: Mahahapdi

2027 · Sabado

Santa Rita ng Cascia
Opsyonal na Paggunita · Karaniwang Panahon berde

Rosaryo Ngayon: Masasaya

2028 · Lunes

Santa Rita ng Cascia
Opsyonal na Paggunita · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti

Rosaryo Ngayon: Masasaya

Salmo ng Araw: Salmo 88

1 Yahweh, Diyos ng aking kaligtasan, araw at gabi akong umiiyak sa iyo.

2 Pakinggan mo ang aking panalangin; pansinin mo ang aking pag-iyak.

3 Dahil puno ako ng mga kaguluhan, at umabot na ang buhay ko sa Sheol.

4 Tinuturing ako ng mga tao na gaya ng mga bumababa sa hukay; ako ay isang taong walang lakas.

5 Iniwan ako sa gitna ng mga patay; katulad ako ng mga patay na nakahimlay sa libingan, na wala ka nang pakialam dahil naalis na sila mula sa iyong kapangyarihan.

6 Inilagak mo ako sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, sa madilim at malalim na mga lugar.

7 Nakadagan sa akin ang bigat ng iyong poot, at lahat ng iyong mga alon ay humahampas sa akin. Selah

8 Dahil sa iyo, iniiwasan ako ng mga kasama ko. Ginawa mo akong katakot-takot na tanawin sa kanila. Nakagapos ako at hindi ako makatakas.

9 Namamaga ang mga mata ko dahil sa pighati; Buong araw akong tumatawag sa iyo, Yahweh; inuunat ko ang aking mga kamay sa iyo.

10 Gagawa ka ba ng mga himala para sa patay? Babangon ba ulit silang mga namatay para papurihan ka? Selah

11 Maihahayag ba sa libingan ang iyong katapatan sa tipan, ang iyong pagiging tapat sa lugar ng mga patay?

12 Malalaman ba ang kamangha-mangha mong mga ginawa sa kadiliman, o ang iyong katuwiran sa lugar ng pagkamakalimutin?

13 Pero dumadaing ako sa iyo, Yahweh; sa umaga ay idinudulog ko sa iyong harapan ang aking mga panalangin.

14 Yahweh, bakit mo ako tinatanggihan? Bakit mo tinatago ang iyong mukha mula sa akin?

15 Matagal na akong naghihirap at nasa bingit na ng kamatayan simula pa nang aking kabataan. Nagdusa na ako sa labis mong galit; wala na akong magagawa.

16 Dinaanan na ako ng iyong galit, at pinuksa ako ng katakot-takot mong mga gawain.

17 Buong araw nila akong pinaligiran katulad ng tubig; pinalibutan nila ako.

18 Tinanggal mo ang bawat kaibigan at kasama mula sa akin. Ang tanging kasama ko lang ay ang kadiliman.

Basahin ang Buo

Panalangin ng Araw: Panalangin sa Mahal na Birhen ng Aparecida

O walang kaparis na Mahal na Birhen ng Aparecida, Ina ng Diyos, Reyna ng mga Anghel, Tagapagtanggol ng mga makasalanan, Kanlungan at Aliw ng mga naghihirap at nababagabag, Birheng Mahal, puspos ng kapangyarihan at kabutihan, igawad mo sa amin ang iyong mapagpalang tingin, upang kami ay matulungan sa lahat ng pangangailangan at kapighatian ng buhay na ito, gayundin sa oras ng aming kamatayan.
O matamis na Ina, huwag mong ipahintulot na kami ay saktan ng mga kaaway ng kaluluwa at katawan, kundi, ipagtanggol mo kami sa iyong pinakamakapangyarihang tulong laban sa lahat ng panganib at kasamaan, upang, sa iyong patnubay, kami ay makarating sa daungan ng kaligtasan at buhay na walang hanggan.
Amen.

Basahin ang Buo

Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.

← 21 ng mayo 23 ng mayo →