Santo ng Araw · 23 ng mayo
Sabado ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay — Karaniwang Araw
2026 · Sabado
Sabado ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti
2027 · Linggo
Linggo ng Santisima Trinidad
Solemne · Karaniwang Panahon puti
2028 · Martes
Martes ng Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Karaniwang Araw · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay puti
Salmo ng Araw: Salmo 95
1 O halika, tayo ay umawit kay Yahweh; tayo ay umawit ng may kagalakan para sa bato ng ating kaligtasan.
2 Tayo ay pumasok sa kaniyang presensya ng may pasasalamat; tayo ay umawit sa kaniya ng may salmong papuri.
3 Dahil si Yahweh ay dakilang Diyos at dakilang Hari na nananaig sa lahat ng diyos.
4 Sa kaniyang kamay ay ang kalaliman ng kalupaan; ang katayugan ng bundok ay sa kaniya.
5 Ang dagat ay kaniya, dahil nilikha niya ito, at hinulma ng kaniyang mga kamay ang tuyong lupa.
6 O halika, tayo ay magpuri at yumukod; tayo ay lumuhod sa harapan ni Yahweh, ang ating tagapaglikha:
7 Dahil siya ang ating Diyos, at tayo ang mga tao sa kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, marinig niyo nawa ang kaniyang tinig!
8 “Huwag niyong patigasin ang inyong puso, tulad sa Meribah, o sa araw ng Masah sa ilang,
9 nang sinubukan ng inyong ninuno na hamunin ang aking kapangyarihan at sinubukan ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang aking mga gawa.
10 Sa apatnapung taon ako ay galit sa salinlahi na iyon at sinabi, 'Ito ang mga tao na ang mga puso ay lumihis ng landas; hindi nila alam ang aking mga pamamaraan.'
11 Kaya nga nangako ako sa aking poot na hindi na sila kailanman makakapasok sa aking lugar ng kapahingahan.”
Panalangin ng Araw: Pagaalay sa Umaga
Pinasasalamatan Kita sa paglikha sa akin, sa paggawa sa akin na Kristiyano, at sa pag-iingat sa akin ngayong gabi.
Iniaalay ko sa Iyo ang lahat ng aking mga gawain sa araw na ito: gawin Mong ang lahat ng ito ay ayon sa Iyong banal na kalooban, para sa Iyong higit na kaluwalhatian.
Iligtas Mo ako sa kasalanan at sa lahat ng masama. Ang Iyong biyaya ay sumasaakin nawa at sa lahat ng aking mga mahal sa buhay. Amen.
Mga teksto ng Bibliya mula sa mga salin sa pampublikong domain; kalendaryong liturhiko na kinakalkula mula sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano at mga pambansang kalendaryo. Hindi kami isang opisyal na institusyong panrelihiyon.